tula #10

sa mga kanta,naaalala ka,sa hangin,sa saliw ng tawanan,sa hagulgol ng iyakan,sa tuwina’y naalala ka,naalala mo kaya,ang mga alaala nating dalawa?masakit ang umibig,nang mag-isa,masakit ang gumunita,ng mga alaala,nang walang kasama.

tula #9

pag-ibig na mapagbiro,labis na katawa-tawa,lahat ay biro ng tadhana,siguro siya ngayo’y masaya,o di kaya ang Diyos ang sumulat nito?at hindi ang tadhana,sino ang tadhana?tadhana o Diyos?sino sa kanilang dalawa?ngunit sino ba ang Diyos?may nakakikilala kaya?bakit niya hinayaang,magwakas ang istorya,sa pag-aalay ng,mapait na gumamela.

tula #8

hunghang na pag-ibig ng tao,nasaan ka?akala ko’y hatid mo’y saya at ligaya,sinungaling na mga mata,pwede bang ipikit na,matatalinhaga mong titig,mababaw pala,tulad ng punong nabubuwal,sa kaunting hangin dala ng bagyo,mababaw ang pundasyon,ugat mo’y walang lalim,tingin mo’y walang lalim,pag-ibig mo’y di malalim,mali ang pakahulugan,sa’yong mga tingin.

tula #7

blankong papel,butas na pahina,paano tatahiin,ang papel sa tela,ubos na ang salita,ubos na ang luha,pwede bang itigl na,ang pagdanak ng mga salita,ubos na ang tinta,pagod na ang mga kamay,ang puso, ang mga mata,pwede bang itigil na,ang dinulot ng iyong salita,dahil pagod na ang luha,at ang dagat sa pag-alon.

tula #6

noo’y kulay asul ang langit,sa tuwing sa’yo’y tumititig,bawat pintig ng hangin,mahalimuyak, malamig,masaya, malungkot,punot ng pighati at dalitangayo’y kulay asul ang langit,paano maibabalik?ang dating kulay na nakakaakit,ang nawalang saya at ligaya,maibabalik pa ba?

tula #5

sa harding di makumpleto,pilit na hinahanap ang nawawalang paso,sa kanluran, sa timog,sa hilaga, sa silangan,sa karagatan, sa kabundukan,nasaan kaya?di na mahanap,di ko na mahahanap,di na maibabalik ang pasong nawala,di na makukumpleto ang hardin,‘pagkat iyong binasag.

tula #4

ilang pahina pa kaya,ang kailangan,upang nilalaman,nitong puso’y maipinta. ilang tula pa ba,ang isusulat,upang ako’y mamulat,na ang araw ay para sa umaga,at ang buwan ay para sa gabi,di sila pwede,di tayo sa huli,dahil walang huli.

tula #3

sa dagat,sa bundok,sa siyudad,sa probinsya,ang tahanan,tahimik,kanlungan,kapahingahan,ang tahanan,bakit ikaw ang tahanan?bakit di ako ang iyong tahanan?patawad, ika’y ginawang tahanan,aking irog, ikaw ang tahanan,kahit di ako ang iyong tahanan,di ba talaga pwede?nais ko ang iyong sagot,upang luhay tumahan.

tula #2

may dahilan kaya,kung bakit nahuhulog ang dahon sa puno,pagkaraa’y natutuyo,tila dahong natuyo,damdaming natuyo,di madiligan,di maulanan,di maarawan,di magiging sa’yo,kailanman.may dahilan kaya,kung bakit di naging sa’yo,di magiging sa’yo,kailanman.

tula #1

hindi ikaw ang mundo,hindi ka dapat gawing mundo,masasayang lang ang mga luha,masasayang lang ang mga tulang,sinulat sa pahina,niluha sa lupa.hindi karapat-dapat na pag-alayan,ng luha at tula.hindi ka dapat maging mundo,di sa’yo umiikot ang mundo,sa’yo umiikot ang mundo.